here is my first (and probably last) attempt for my bio. i am a music junky - music has always been a big part of my life, too bad, i ended up as an engineer and currently am working on an IT company - say goodbye to my rockstar lifestyle. what kind of music do i listen to? my collection ranges from coldplay, to keane, to cynthia alexander, to sandwich, radiohead, from corgan to beatles, from axl to regina spektor. i practically grew up in sampaloc with my auntie, near the rally-infected mendiola bridge - spent most of my childhood developing a delightfully overactive imagination. so there you go a hopeless romantic, flower-power, not-what-you-thought-i-was, and anything in between kind of guy.

Wednesday, February 28, 2007

Play4Serve

ok ok - hanggang ngayon inaalala ko pa rin ang nangyari kagabi. first time ko na manood ng play4serve at matagal ko ng inaabangan to. dumating kami ni xter sa saguijo 10:30 na at tumutugtog na ang bandang shirley - pagpasok nmin sa pintuan may mga nakaupo na sa sahig so di na kami makapasok sa likod. nagstay na lang kami sa may pintuan katabi ng banda - ayuz.

ok ok, bandang shirley - di ako familiar sa kanila pero catchy music, naubusan na raw sila ng kanta kaya nagcover ata sila nung last song nila. second band for the night - twisted halo, ang vocalsit nito ay kapatid ni ebe ng sugarfree, magkamukhang magkamukha sila hehe at nagbiro pa nung pinakilala ung buong band na sya daw si ebe (sabay nag sigawan ung mga tao hehe) - sorry wala silang tinugtog na familiar sa akin.

third band was actually their debut performance of some sorts - daster (as in lola daster), composed of myrene academia from sandwich, katwo librando of Narda (who posed for FHM last december) and is also sporting a semi bald head, kris dancel of cambio (asawa ni ebe ng sugarfree), at isang babae na di ko kilala hehe sorry. for fun lang naman ung band, and their songs are mostly rip-offs from their main bands - i can still sing their addict song na ala-DVDX hehe

next band was peryodiko - the new band of twisted halo's frontman vin, weird nga eh, nagdisband na ung twisted halo, pero almost same members ung sa peryodiko - i think may isa or 2 na nawala, pero ang malakin gdifference eh yung music, halos kapareho na sya ng sugarfree pero mas maingay lang ng konti.

next on the list was pedicab - ok, vocalist ay si diego mapa (brother of the infamous jao mapa), keyboards is raymund marasigan of sandwich, of course :), mike dizon on drums (from sandwich, cambio, and former teeth's drummer), tapos yung iba di ko na kilala hehe TSURI uli. pedicab's song are heavy on synths, and effects, parang disco na rock, hindi maingay pero weirdo eh.

tumugtog din ung imago - aia (pronounce as a-ya) on vocals, zach on drums (dating NU107 DJ), myrene on bass (of sandwich), and ung lead hmmmm nalimutan ko ung name hehe. some interesting trivia for imago - i think they were more "political" when they started, ung songs nila dati ay malalalim, pero nagchange daw ng religion si aia at zach (i think born again) causing some changes on their songs. sabi ni aia on one interview - lahat daw ng kanta nila ngayon eh puro positive na, ayaw n a daw nya gumawa ng negative songs, hmmm naging pop na nga sila eh.

last but not the least is of course sandwich - basta sobrang astig, nag-rap si raimund nung nag totono pa lang sila ng mga gitara, siempre hindi mawawala ang DVDX, Sugod, pero para sa akin ang highlight ng gabi eh ung mga bago nilang kanta for their next album. akala ko eh tapos na ang surprise pero nung tinugtog nila ang two trick pony biglang lumabas si gabby alipe ng urbandub at nakikanta - muntik na akong maihi sa sobrang excited hehe. next song nila ay ung pinakabago nilang single - ung sunburn, im sur emagiging hit ito since summer na rin.

ayooownnn, natapos ang gig around 3 at kumain kami ni xter sa LSPT. nakahiga na ata ako 4 na, paggising ko kaninang umaga hehe late na.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home