happy fathers day, artes expats and maroon 5
unang una - happy fathers day sa lahat ng tatay !!! di na dapat ako gagawa ng post tungkol dito pero may nakakatawang nangyari sa akin sa mcdo -
patapos na akong umorder ng biglang:
manager: sir, eto po oh
ako: hmmm, ano to? keychain? akin to?
manager: happy father's day sir!!! regalo namin yan ngayong father's day
ako: ......
ako: ..........
ako: ...................
HAHAHAHAHA, tae mukha na ba akong tatay? ang ganda pa nman ng porma ko? slim jeans + chucks and all - hehehe eto ung "father's day keychain" tago ko to hanggang pagtanda ko

may dumating na dalawang expats from Dalian, China for my artes team - unfortuantely i was on training the whole week so di ko sila naaccomodate, anyways, we treated them at bayside - ung dampa na malapit sa MOA. sinigang, crabs, isda, shrimp, liempo at mangga - hehe as usual hindi nila nagustuhan. come to think of it, tayo lang ata may sinigang eh, ano ba ung maasim sa ingles? sour diba? ano ba sour food nila? mga pinoy kasi weird eh hehe
*hmmm something is wrong with the picture from jenny, di sya marecognize na jpeg ng laptop ko - will post pix soon
last but not the least - i was able to snatch a copy of maroon 5's latest album for only P200 bucks, original to oy, di na ako bumibili ng pirated ngayon hehe. i was actually hesitant to buy it, it was actually released for almost a month na ata but their first single did not really caught my attention - it was too POP for me, very much like a timberlake single. errol told me the album was actually great, telling me that it really more into pop but every song can easily be a single - radio friendly kung baga. little did i know i was already humming their single - so i decided to buy it. over-all, i was not dissappointed - it was actually a great CD, sulit na sulit P200 ko.
ung binibilan kong store actually carries original CDs, its just that they are all "pitiks" of employees from record companies - much like what mellissa and julius and ryan are doing hehe. kaso ito, madami silang contact, parang taga SM ata ung kakutsaba nila eh, kasi lahat ng record labels meron sila - good thing is it is not pirated, unfortunately hindi rin ako directly nakakatulong sa music industry kasi hindi naman nababayaran ng royalties ung musicians behind the CDs kasi "pitik" nga sila. anyways maroon 5 is B for me - might change after a couple of plays.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home